Gupit Para sa mga Lalaki: Undercut | Haircut for Men: Undercut

Choose language: Filipino | English

So, isa sa mga nagiging usong gupit ngayon ay yung tipong, one-fourth inch sa sides, one-fourth inch sa likod, tapos mahaba sa taas (more than five inches); bale, di na babawasan sa taas. Tapos, kung i-style mo, palikod yung mahaba sa taas, bale comb over or pompadour ika nga sa U.S. at U.K.

Actually, maraming variation ang mga gupit na ito, pero isa ang tawag sa pangkalahatan: disconnected haircut. Bakit “disconnected”? Kasi, yung part kung saan mag-mi-meet yung one-fourth inch na buhok at yung mahabang buhok, “disconnection” ang tawag dun. Tignan ninyo nalang yung photo:

disconnected-haircut-undercut-by-recis-1
Disconnection kung saan nag-meet ang maiksi at mahabang buhok.

Etong style na ito, in siya nung mga 1990s, medyo iba lang ng bahagya: mas maikli sa bandang taas tapos hindi masyadong skin head yung nasa sides at sa likod.

Ganito ang naging gupit ko ng tatlong buwan at marami akong nagustuhan at di nagustuhan sa gupit at styling nito. Kung gusto ninyong kumuha ng ganitong gupit, eto ang mga kailangang ninyong malaman:

Ano ang sasabihin sa barbero?

Noong nagpagupit ako ng ganito, sinabi ko nalang na “undercut” and gupit ko. Yun na, wala nang ibang explanation. Siyempre, kailangang pilliin ang barber shop kung saan ka magpapagupit. Ako, doon sa salon-barber house na may sariling pwesto, HINDI yung mga nasa mall o commercial building. Yun yung talagang barber shop na sarili tapos mga lalaking nagpapgupit lang ang mga cliente nila; hindi siya mixed with mga stylist na pambabae.

Continue reading Gupit Para sa mga Lalaki: Undercut | Haircut for Men: Undercut

Advertisements