Gupit Para sa mga Lalaki: Undercut | Haircut for Men: Undercut

Choose language: Filipino | English

So, isa sa mga nagiging usong gupit ngayon ay yung tipong, one-fourth inch sa sides, one-fourth inch sa likod, tapos mahaba sa taas (more than five inches); bale, di na babawasan sa taas. Tapos, kung i-style mo, palikod yung mahaba sa taas, bale comb over or pompadour ika nga sa U.S. at U.K.

Actually, maraming variation ang mga gupit na ito, pero isa ang tawag sa pangkalahatan: disconnected haircut. Bakit “disconnected”? Kasi, yung part kung saan mag-mi-meet yung one-fourth inch na buhok at yung mahabang buhok, “disconnection” ang tawag dun. Tignan ninyo nalang yung photo:

disconnected-haircut-undercut-by-recis-1
Disconnection kung saan nag-meet ang maiksi at mahabang buhok.

Etong style na ito, in siya nung mga 1990s, medyo iba lang ng bahagya: mas maikli sa bandang taas tapos hindi masyadong skin head yung nasa sides at sa likod.

Ganito ang naging gupit ko ng tatlong buwan at marami akong nagustuhan at di nagustuhan sa gupit at styling nito. Kung gusto ninyong kumuha ng ganitong gupit, eto ang mga kailangang ninyong malaman:

Ano ang sasabihin sa barbero?

Noong nagpagupit ako ng ganito, sinabi ko nalang na “undercut” and gupit ko. Yun na, wala nang ibang explanation. Siyempre, kailangang pilliin ang barber shop kung saan ka magpapagupit. Ako, doon sa salon-barber house na may sariling pwesto, HINDI yung mga nasa mall o commercial building. Yun yung talagang barber shop na sarili tapos mga lalaking nagpapgupit lang ang mga cliente nila; hindi siya mixed with mga stylist na pambabae.

Ang importante talaga, alam ng iyong barbero kung ano ang mga na-uusong gupit ngayon. Kailangang updated sila sa pabago-bagong mga style na in. Yung mga nasa kanto lang na barber shop, basta’t hindi matanda yung gumugupit (mga 35 to 50+), okay lang; alam nila yung undercut. Kung sa mall ka kasi, baka mapagastos ka pa ng malaki at baka kailangan pa masyado ng explanation. 😛

Paano ito i-style?

Usually, sinusuklay ito palikod with pomade or wax. Yun lang naman lagi eh. Hindi effective and gel, pero okay itong pampakintab kung ang gamit mong wax ay may matte finish. May iba na talagang ginagawa pang mohawk style ito, yung patayo at patulis. Not recommended, parang awa! Yung iba, kinukulayan pa, pero para sa akin, okay pa rin ang natural color ng sariling buhok.

Notes

  1. Mahirap itong i-style na palikod kung sanay ang buhok mo sa style na pa-front na patayo / spiky or mohawk style. Talagang magkakaroon ng parts na ayaw magpalikod kahit ilang beses ka pang magsuklay at kahit gaano kadami ang ilalagay mong pomade or wax.
  2. Kailangang bago mo i-style, basain o hugasan mo ang buhok mo tapos mag-hair dryer/blower ka habang sinusuklay palikod. Ito ay para masanay ang buhok mo na ma-style palikod. Kailangang gawin mo ito araw-araw hanggang sa talagang mahaba na yung buhok sa pang-itaas ng ulo mo at talagang sanay na ito sa comb over / pompadour style.
  3. Habang nagsisimula ka sa style na ito, kailangan mo talagang i-check ng i-check sa salamin ang buhok mo kung maayos. Kung mahangin kasi, pwedeng masira yung style, eh mukha ka nang ewan. 😛
  4. Mabusisi talaga ang haircut at hairstyle na ito. Hindi ito para sa mga on-the-go palagi na wala nang time magpa-pogi ng matagal sa salamin.
  5. Habang tumatagal, ma-fi-feel mo naming worth it yung effort sa pag-style ng ganitong haircut. Mabusisi lang talaga sa umpisa at matagal na rin, depende sa kung gaano kabilis humaba ang buhok mo.
  6. Hindi ito recommended para sa mga nakakalbo / nalalagas ang buhok kasi may mga bald spots na mapapansin.

Kung mga gusto kayong i-share, ibahagi n’yo lang sa comments section sa baba.

Advertisements

Published by

Recis Dempayos

Budding YouTuber / vlogger, occasional blogger, aspiring multimedia artist.

One thought on “Gupit Para sa mga Lalaki: Undercut | Haircut for Men: Undercut”

  1. Hello po! Kaya po kayang mapahaba ung shaved side ng hair in two weeks hanggag sa maging normal yung length nya? Kasi nagpa-undercut ako yesterday lang and parang hindi ko sya nagustuhan kaya gusto ko siyang maibalik sa dati or kahit humaba lang siya ng 1/2-1 inch in two weeks before magsimula yung classes. Kaya po kaya?

Enjoyed this article? Make your thoughts known by leaving a comment!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s