Pagmamahal Para sa Wika at Kalikasan

buwan-ng-wikang-pambansa-2010Ang pag-ibig ay isa sa mga salitang maaring magkaroon ng maramihang pagpapakahulugan. Una, ang pinakadakilang Pag-ibig sa lahat: Pagmamahal para sa DIYOS at para sa kapwa-tao. Sikat din ang romantikong pag-ibig sa pagitan ng lalaki at babae. Mayroon naman iyong pag-ibig ng isang ama’t ina para sa kanilang mga anak; kasalungat nito ang pag-ibig ng isang anak para sa kanyang mga magulang. Mayroon ding pag-ibig para sa isang propesyon, isang bagay, isang alagang hayop, at para sa sarili.

Siguro ang dalawa sa mga di-gaanong kilalang pagpapakahulugan ng pa-ibig ay ang pagmamahal sa wika at sa kalikasan.

Teka, bakit ang mga katagang “wika” at “kalikasan” ay nasa parehong pangungusap na tumutukoy sa pag-ibig?

Wika at Kalikasan

Kung pag-iisipan natin, ang wika ay ang pundasyon ng pag-uunawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nagdadala ng mga ideya ng mga mamamayan. Kung wala ito, ang mga mamamayan ay hindi kailanman magsasang-ayon sa mga ideya o mga layunin. Ang pagkakaiba ng isa’t-isa ay lolobo, lilitaw and mga maling pagpapakahulugan, at and mga di pagkakaunawaan ay papailanglang. Kabuuang kaguluhan. Ito ang dahilan kung kaya’t and wika ay mahalaga sa pagkakaisa ng isang bansa.

Ang isang bansa, sa kanyang literal na kahulugan, ay tinutukoy sa pamamagitan ng kanyang pisikal na katangian. Mga maharlikang bundok. Ang pag-agos ng tubig. Ang klima. Mga buhay na gubat, mga hayop—flora at palahayupan. Sa isang salita: Kalikasan, o ang kanyang likas na katangian.

Kaugnayan ng Wika at Kalikasan

Ano ang mangyayari kung pababayaan ng mga mamamayan ng isang bansa ang kanilang kapaligiran, ang kalikasan ng kanilang bansa? Siyempre, ang kapaligiran ay hindi magiging kondaktibo para mabuhay, at ang kaligtasan ng isa ay magiging isang isyu. Ang maruming hangin at tubig ay pagsisimulan ng mga malulubhang sakit. Ang pagtapon ng basura sa kung saan-saan ay maaaring maging sanhi ng mga  landslide at magdulot ng kapahamakan. Ang mga baradong daluyan ng tubig ay maaaring magdulot ng mga nakamamatay at mapanirang baha.

Paano kung ang pangunahing sanhi ng kapabayaan ng mga mamamayan para sa kanilang kapaligiran ay ang kabiguan upang makapag-usap ng matino at maunawaan ang isa’t-isa? Maliwanag na ang pangunahing hadlang sa komunikasyon at pagkakaunawaan ay ang di-pagkakaroon ng isang karaniwang wika. Dahil sa labis na pagdami ng mga dialekto, ang mga tao sa isang bansa ay maaring mahirapang magtangkang mag-umpisa ng isang matinong pag-uusap.

Pagmamahal Para sa Wika at Kalikasan

Ang pagmamahal para sa isang karaniwang wika ay ang puso ng pagmamahal para sa kapaligiran ng isang bansa. Nag-uumpisa ang lahat sa pagtanto na kung walang isang pambansang wika, ang isang bansa ay literal na magugunaw. Tayo ay tunay na mapalad sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na tinuturuan hindi lamang sa mga paaralan, kundi pati sa mga tahanan ng bawat batang Pilipino. Sa pagbabahagi ng kaalaman ng Pilipino, naibabahagi din ang pagmamahal sa wika at sa ating bansa’t kapwa-tao.

~~~~~~~

N.B.: Wala lang. Siguro kung nasa haiskul pa ako at may pa-contest na essay-writing para sa Linggo/Buwan ng Wika, ganito ang i-e-enter ko. Di talaga ako marunong magsulat ng sanaysay sa Filipino (Oo na! Isa na akong mentally-colonial na Pilipino! Pinglish lang ang alam ko!) kaya sinulat ko muna ito sa Ingles tapos tri-nanslate ko nalang. Kung mababasa nyo yung English essay tapos ipaghahambing dun sa Pilipino, baka matawa kayo. Ako nga eh, natawa … mas gusto ko yung English essay.

Ayoko ngang i-publish yung English. 😛

Advertisements

Published by

Recis Dempayos

Budding YouTuber / vlogger, occasional blogger, aspiring multimedia artist.

19 thoughts on “Pagmamahal Para sa Wika at Kalikasan”

    1. Hi Vaniza!

      Usually, sa slogan, kalikutin mo lang konti yung theme. So, “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal, Talagang Kailangan,” pwedeng “Tunay na pag-ibig ang bubuhay at mangangalaga sa inang kalikasan.”

      Cheezy. 😀 Something like that.

      Thanks for visiting my blog!
      Cheers!

  1. naks talino ..

    may nabasa ako about sa poster making .. kaso hindi dito naayon eh ,, sa physics ^^ ,, by the way im fourth yr student ..just add me on my facebook account kung interisado ka 😀 ..

    dadalawin ko na lang tong blog mo , baka sakaling mag paproject si ma’am about dito .. sana ^ ^ .. haha ! salamats

  2. galing!… sa pagbasa ko dito, lalo ko siya naunawaan at mas madali sakin na mka pag isip ng design na gagawin ko sa poster making contest… tnx.. 🙂

    1. Hey KuyaKimkimkimkimmkimkim D SaviorSalvador!

      Long name. 😀

      Thanks very much for visiting my blog site!

      Buti naman nakatulong ako sa pagbuo mo ng poster design. Ako din, sumasali noong haiskul sa mga ganung contest. GOD bless on your entry!

      Cheers!

    1. Hey itche!

      Thanks very much for visiting my blog site!

      Personally, the Buwan ng Wika theme speaks of giving importance to one’s national language and one’s surroundings. Both (language and environment) are important treasures of a country that will pave the way for unity and a strong and healthy society.

      There can be other interpretations to the theme, and I’m sure you can come up with your own.

      Cheers!

    1. Hey Ryan!

      Thanks very much for visiting my blog site!

      Talagang kailangan and wagas na pagmamahal. 😛

      Cheers!

    1. Hey Ansel!

      Thanks for commenting on Scribe’s Express!

      Ayaw nga eh. 😀 Baka pagalitan mo pa ako sa maling translation (or something like that).

      Cheers!

Enjoyed this article? Make your thoughts known by leaving a comment!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s